Monday, August 25, 2014

Saan pwede tumira sa Phuket?

Save on your hotel - hotelscombined.com
Ang Phuket ay isang malaking isla sa Thailand at  nagbibigay ng maraming dalampasigan na pwedeng tirhan (hindi kagaya ng Bali and Phuket ay walang lugar na lupang pangloob). Karamaihan sa sikat na puntahan ay nasa kalunurang hangganan ng Phuket at pinakamalaking dulog ay ang Patong na nasa kalunurang hangganan. Dahil sa madami ang numibisita sa Patong, madami ang tumitira sa Patong o kaya sa may dagat na malapit sa Patong.

Sa may silangan hangganan ng Phuket ay mayron din magagandang resort at hotels. Pero it ay mas malayo sa Patong at ang mga eto ay yung mga matatahimik na at nakakarelks na kapaligiran.  At lampas ng Phuket papunta ng Krabi, mayroon maliliit na isla na mayron din magagandang resort at dagat.

Kung tatanungin mo kami kung saan magandang tumira sa Phuket, irerecomenda namin na tumira kayo sa may kalunurang hangganan na mga dagat na malapit sa Patong. Ito ay para maiwasan ang ingay sa Patong at alikabok at sa mga posible pa nila maibigay. Ang Kata Yai, Karon or Kamala Beach banda ang pwede naming na irekomenda. Pero sympre ang Phuket ay hindi lang limitado sa mga ito kundi marami pang mga lugar sa isla na pwede ding tirhan. Para sa dun na naghahanap ng tahimik at d mas magulo na  at may mga natural na lugar. Ang mga maliliit na isla sa pagitan ng Phuket at  Krabi ay nagbibigay ng mas magandang pagpipilian na pwedeng tirhan kaysa sa mismong Phuket.

Patong Beach

Patong ay isang bayan na nasa kalunurang hangganan at centro ng turismo. Yung tinatawag na “Phuket Night Life” na binubou ng “naughty” elemento ay andito din na may madaming hotel, kainan at bilihan. Ang Patong Beach and isang mahaba at maputing dagat na sikat sa mga turista.

Ang mga baguhan na turista na pumupunta ng  Phuket ay kalimitan dito tumitira. Kahit yung “sex tourism” ng Phuket ay nasa Patong na kung saan ay bukas ito sa kalakalan pero kung iiwas kayo sa daaanan ng Bangla, yung tinatawag na “ Red Light District” ng Phuket  pwede kang umiwas sa kung saan nakilala ang Phuket.

Kung may plano kayo tumira sa Phuket, basahin ng maigi ang mga reviews ng mga hotel bago magbook kasi mayroon mga hotel sa Patong na malapit sa mga clubs na sobrang ingay sa gabi.

Para sa karagdagan na listahan ng mga hotel sa Patong at ng mga presyo ng mga eto at mga pagsusuri ng mga customer, pakitignan sa “Phuket Patong Hotel” page.

Phuket mapa at Phuket beach
Phuket mapa at Phuket beach
Karon Beach

Ang pangalawang pinakasikat na dagat sa Phuket ay ang Karon Beach na makikita limang kilometro baba ng Patong  Beach. Ang Karon ay hindi yung tinatawag na “best beach” sa Phuket pero sobrang lapit nito sa makulay na buhay ng Phuket ay malayo sa Patong’s “naughty side”.

Para sa karagdagan na listahan ng mga hotel sa Karon at ng mga presyo ng mga eto at mga pagsusuri ng mga customer, pakitignan sa “Phuket Karon Beach Hotel” page.

Kamala Beach

Ito and pangalawang pinakapaborito na dagat sa Phuket. Ito ang unang dagat na nasa taas ng Patong, ang Kamalan ay malapit sa Patong para sa pamimila at kainan  pero malayo  sa ingay at gulo. Ang Kamala ay parang isang maliit na nayon na mayroong maliliit na inuman, kainan papuntang timog na mayron ding magandang dagat at hotel.

Ang Kamala Beach ay mabait din sa mga pamilya na may bata. Yung daan papuntang timog ng Kamala Beach ay yung tinatawag na centro ng lugar. Tahimik at relax na Kamala na hindi kasing sikat ng Karon pero mas mabuting pagpipilian.

Ang paboritong hotel sa Kamala Beach ay ang The Palms na nasa Kamala Beach Hotel Phuket.

Para sa karagdagan na listahan ng mga hotel sa Karon at ng mga presyo ng mga eto at mga pagsusuri ng mga customer, pakitignan sa “Phuket Kamalan Beach Hotel” page.

Kata Beach

Ang Kata ay may dalawang dagat: Kata Yai at Kata Noi. Ang Kata Yai ay ang aming pinakapaborito  lugar na tirahan sa Phuket. Perpektong lugar para sa mga pamilya at turista na gusting magrelax sa tahimik na environment. Itong mahabang  dagat ay kumpleto kung ano man ang kailangan ng isang manlalakbay: isang maliit na ceter, mahabang dagat, malinis na tubig, madaming kainan at inuman. Dito ang paborito namin ay ang Phuket Orchidacea Resort na kung saan natatanaw  Kata Yai.

Para sa karagdagan na listahan ng mga hotel sa Karon at ng mga presyo ng mga eto at mga pagsusuri ng mga customer, pakitignan sa “Phuket Kata Beach Hotel” page.

Kata Yai Beach mula Orchidecia Resort
Phuket Kata Yai Beach mula Orchidecia Resort
Surin Beach

Pansea Bay ay makikita sa hilagang dulo ng Surin Beach na kung saan tinatawag na “Millionaire’s Row” salamat sa magagarang villas sa burol tropiko na matatanaw ang dagat ng Andaman. Ang mga sikat at mayayaman na VIP ay dito lumalagi sa Pansea Bay at ang lugar ay may konti lang na mga tindahan at kainan.

Para sa karagdagan na listahan ng mga hotel sa Karon at ng mga presyo ng mga eto at mga pagsusuri ng mga customer, pakitignan sa “Phuket Surin Beach Hotel” page.

Bang Thao

Ang malaki at bukas na lo-ok,  Bang Thao houses Laguna Phuket na may pitong karangyaan na resort na umaabot sa isang libong ackres na tropikong parkland. Napagusapan na  natin ang magagandang lokasyon ng Phuket resort sa nakaraan na blog: Laguna Phuket Resort Destination.

Mai Khao and Nai Yang Beach

Itong hilagang-kanluran na mga dagat ng Phuket ay ang pinakamalapit sa Phuket Airport. Ang Mai Khos ang pinakamahabang dagat sa Phuket na binubuo ng 17 kilometro at may natural na park. Ang lugar na ito ay hindi “hindi nagagalaw” kumpara sa mga nabebenta ditto na mga hotels at resorts. Ito ay medyo malayo-layo sa Patong at kailangan ng mahabang sakayan bago makarating dito.

Lampas Phuket: Ko Yao and Phi Phi

Mayron din mga magagandang isla sa gitna ng Phuket at Krabi na pwede din tirhan. Kamakailangan lamang, ang mga taong pagod na sa sobrang magulo at ingay na turismo ng Phuket ay ditto na dumadayo na kung saan mayroong mga karangyaan na resorts.

Ang Phi Phi ay di kailangan ng introduksyon. Ito any ang dapat Makita at puntahan sa Phuket sa isang araw na paglilibot. Pero ang isang malaking isla ng Phi Phi Don (ang Phi Phi ay binubou ng anim na isla) ay mayroon din mga hotel na pwedeng tirhan. Tonsai at Loh Dalum lo-ok sa Phi Phi na mayroon  mumurahin na mga hotel at hostel at  sa  hilagang silangan parte ng Phi Phi Don ay mayron din mga  karangyaan na resort kagaya ng 4.5 star na Outrigger Phi Phi Island Resort & Spa and Zeavola Hotel.

Para  sa listahan ng hotel sa paraisong isla ng Ko Yao, pakibisita sa Thailand Ko Yao Hotels page.

Six Senses Yao Noi Resort, Thailand
Six Senses Yao Noi Resort, Thailand

No comments:

Post a Comment