Friday, September 5, 2014

Saan magandang magstay sa Singapore?

Save on your hotel - hotelscombined.com
Ang Singapore ay lumago mula sa isang magulo ngunit magandang trading port sa isang hi-tech na lungsod. Ito ay sentro ng iba't ibang kultura, ang bawat isa ay naninirahan sa iba't-ibang distrito ng maliit na kontinente ng Asya. Ang Chinatown, Little India at Kampong Glam, bawat isa ay may natatanging ganda, habang ang mga lugar sa paligid ng Singapore River ay may sariling natatanging pananaw sa spage-age architecture. Ang mga beach resort dito ay malapit sa Pleasure Island Sentosa  kung kailangan mong huminga mula sa buhay sa lungsod.

Orchard Road

Ang Orchard Road ay nakahanay sa magkakatabing shopping mall, bawat isa ay mas malaki at mas matao kaysa sa kasunod. Matatagpuan dito ang mga designer clothes, electronics, make-up, mga libro at mga sinaunang tindahan na nasa loob ng makabagong istraktura kasama ang ilang mga makalumang mall. Ang pinakamalaking highlight ng Singapore ay ang maraming shopping at dining kung saan lahat ay madaling mapuntahan.

Sa Orchard Road, ang accommodation ay tumutugma sa kapaligiran ng mga shopping mall na nakahanay dito. Maraming mga kilalang luxury hotel ang ditto ay itinayo at madalas ay may katangi-tanging Singaporean restaurant na may magagandang kalidad.

Chinatown

Chinatown ang pinakamayaman sa kultura sa Singapore. Ito ay nakalayo sa mga matatayog na gusali kung saan iyong maaalala ikaw ay nasa bansa sa timog-silangang Asia na may maipagmamalaking kasaysayan. Ang Chinatown ay naglalaman ng colonial shop fronts na muling itinayo ng may pagmamahal, may mga templong marangyang pinamalamutian at masiglang na hilera ng mga tindahan at matatandang shopping mall. Salungat sa modernong pagsasaayos at pagbabago ng lumang Singapore, ito ay pinamamahalaan sa ngayon upang mapanatili ang tradisyonal nitong espiritu.

Naririto sa Chinatown ang iyong hinahanap kung mahigpit ang iyong budget para sa accommodation. Ito rin ay ilan sa mga orihinal - ang makasaysayang shophouse na nakahanay sa distrito ay madalas na ginagawang maliit na guesthouses at Hostel.

Singapore River

Ito ang pinakalumang bahagi ng Singapore kung saan unang lumago ang umunlad na daungan ng lungsod. Ang kolonyal na gusali ay itinayong magkakatabi gamit ang napakamodernong arkitektura. Sa Clarke Quay ay ang distrito ng shopping, kainan at inuman kung saan ang mga naayos na shop house ay sinabuyan ng kulay pastel habang sa hi- tech na pag-unlad ng mga bahay sa Marina Bay ang Michelin ang nangunguna sa restaurant at casino.

Amg Singapore River ay tahanan ng The Fullerton Hotel, isang marangyang 5 star hotel na makikita malapit sa Singapore River. Pwede kang manatili dito o mamili sa malawak at masaganang hanay ng mga modernong hotel na matatagpuan sa palibot ng Marina Bay Sands complex.

Sentosa

Ang city escape Sentosa ang libangan para sa mga Singaporeans. Puno ng mga bar, beach at magagandang pasyalan. Ito ay madaling puntahan - tumungo sa Megamall Vivo city (sa Sentosa Express) at maglakad mula sa Boardwalk. Kung gusto mo ng banayad na paglalakbay papunta doon, gamitin ang cable car (mula sa Harbor Front o sa Mount Faber) para sa isang nakamamanghang tanawin sa ibabaw ng lungsod. Ang Sentosa Express ay ang pinakagamit na transportasyon sa Sentosa .

Sentosa ang pinakamaganda para sa pananatili sa maraming beach resort dito. Ang pinakakapansin-pansin ay ang Beach Villas, isang hotel na matatagpuan sa tabi ng dagat. Ang mga kuwarto dito ay may malalaking glass panel upang iyong masulyapan ang ganda sa kalaliman ng dagat.

No comments:

Post a Comment